Lunes, Hulyo 7, 2014

Ceciree R. Villanueva



Napakalaking tulong ng mga natuklasan at nabuo ng mga kabihasnan noon. Sa tulong ng mga bagay na ito ay nagkakaroon tayo ng sari-sarili natin imbensyon. Kundi dahil sa mga bagay na kanilang naunang ginawa ay wala rin tayo noon ngayon. Lahat ng tinatamasa ng mga tao sa panahon ngayon ay dahil sa tagumpay ng mga tao noong unang mga kabihasnan. Maipakikita natin ang pagpapahalaga sa mga bagay na ito kung ito’y nauunawaan natin ng mabuti at naisasabuhay ng maayos. Mauunawaan lamang siguro natin ang tunay na kahalagahan nito kung tayo na mismo ang nasa katayuan nila doon. Dapat ay matuwa tayo at ipagmalaki ang mga natuklasan ng mga tao noon sapagkat nalagpasan nila ang mga pagsubok na pinagdaanan nila noon sa kokonting kagamitan lamang. Dapat ay maunawaan natin ng mabuti ang mga naitulong nila sa atin. Dapat din natin ito ipagmalaki.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento