Sa simpleng pangangalaga ay pwede na nating mapahalagahan ang mga minana ng ating mga ninuno noong mga panahon ng Stone Age. Mayroong tayong mga matataas na teknolohiya dahil sa kanila. Kahit ang kanilang naitaguyod ay maliit na bagay lamang ay kailangan natin itong bigyang halaga sa pamamagitan ng paggamit nito sa tamang paraan. Sa paggamit nito sa tamang paraan ay nakapagbibigay tayo ng halaga at respeto sa taong nakatuklas nito. Ang kanilang mga natuklasan ang pundasyon ng lahat ng meron tayo ngayon, at kung wala silang loob na sumubok ay maaaring wala tayong mga gadgets ngayon, o mas malala, wala na ang mga tao. Alam natin na ang mga sinaunang tao ay mang-mang at wala pa sa tamang pag-iisip ngunit dapat natin sila bigyan ng parangal dahil sa kanila ay umusbong ang mga kabihasnan na nagsimula ng progreso ng mundo.
-Icee Fojas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento