Kahalagahan
Sa mga nakalipas na mga linggo, marami na akong nadagdagan na kaalaman tungkol sa mga pamana ng sinaunang kabihasnan. Ang mga sinaunang kabihasnan ay maparaan. Dahil sa kanila, sila ang naging pundasyon sa lahat ng mga bagay na nagagamit natin ngayon. Naging mas maginhawa ang ating pamumuhay natin dahil sa mga naimbento nila. Kapag gumamit tayo ng mga ito, kailangan natin ng pagpapahalaga sa mga ito.
Ang pagbibigay halaga sa mga bagay ay nakakataba ng puso. Dahil sa pagpapahalaga, naaalala at ginagalang natin ang mga sinaunang kabihasnan. Mga halimbawa ng pagbibigay importansya sa mga bagay ay ang paglalagay ng mga artifacts sa isang museo. Karaniwan na ang ganyang paraan ngunit epektibo ito. Isa pang paraan ay ang paggamit nito ng tama. At ang panghuling paraan ay ang pagbabahagi ng mga larawan ng mga ito. Pwede itong ibahagi sa mga social networking sites dahil dito halos lahat kumukuha ng impormasyon sa mga sinaunang kabihasnan. Ang pagpapahalaga ng mga bagay ay mahalaga dahil pinahahalagahan din natin ang mga tao sa mga sinaunang kabihasnan.